jump to navigation

Ganito Magbigay ng Masamang Balita January 20, 2009

Posted by Anton in Witty Humor.
trackback

 

3-2-2009-4-03-17-amKUMIRIRING ang telepono nang madaling araw….

 

“Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, yung katiwala niyo sa

bahay-bakasyunan niyo.”

 

“O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano’t napatawag ka? May problema ba?

 

“Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong

parrot.”

 

“‘Yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird show?

 

“Opo, Master Carlos, ‘yun na nga po.”

 

“Putris … sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong ‘yon. Hay,

buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?”

 

“E, kumain po kasi ng bulok na karne….”

 

“Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng

bulok na karne?”

 

“W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo.”

 

“Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?”

 

“E, ‘yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila

sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.”

 

“Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?”

 

“‘Yun pong pinampatay namin ng sunog.”

 

“Diyos ko po! Anong sunog naman ‘yang pinagsasasabi mo?”

 

“‘Yun pong halos tumupok sa bahay niyo…. Tumumba po ‘yung isang

nakasinding kandila, tapos nagliyab ‘yung kurtina at mabilis na kumalat ang

apoy….”

 

“Ano? Puuut…. E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para

saan yung kandila?”

 

“Para sa burol po.”

 

“Ano? Kaninong burol?”

 

“Sa nanay n’yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu’ng isang gabi,

walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril

ko.”

Advertisements

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: