jump to navigation

Single Ka Ba? January 9, 2006

Posted by Anton in Romantic, Witty Humor.
trackback

Anonymous

187524_8019 Ilang ulit na bang nangyari sa iyo ito? Ngayon ang
kasal ng pinsan mo. Heto ka ang ganda ganda mo.
Naghanda ka talaga dahil minsan-minsan lang ang
okasyon sa pamilya nyo. Kadalasan sa mga lamay
na lang kayo nagkikita-kita so ngayong kasal ng
pinsan mo, gusto mo namang maging maganda at
mapansin nila. Aba, napansin ka nga. Ganito ang
tanong ng lahat ng kaanak mo sa iyo…”O ikaw
kelan ka ikakasal?” “Uy, ikaw na ang susunod
ano?” Parang gusto mo na sa susunod na lamay
sila naman ang sabihan mo ng “Ikaw, kelan ka
susunod?”

Huwag kang malungkot. Ito gusto nga kitang
sumaya kaya sinulat ko ito. Hindi ka dapat
malungkot dahil maraming posibleng dahilan bakit
hindi ka pakinakasal hanggang ngayon. Hayaan
mo silang mainip sa paghihintay. Basta kung okay
ka, okay ka. Hayaan mo tulungan kita mag-isip
kung bakit wala ka pa ring asawa hanggang
ngayon. Naisip ko na ‘yan eh. Ito ang sampung
dahilan bakit wala pa:

1. Kailangan mong mag-concentrate sa career.
Hindi na uso ang mga babaeng pambahay ngayon.
Kalimitan meron ng tinatawag na career. Habang
hindi ka pa tinatamaan ng palaso ni kupido, hamo
na munang magconcentrate ka sa trabaho mo.
Kailangan mong ma-achieve ang full potential mo
bago ka mag-asawa, kasi ‘pag nag-asawa ka na,
tanggapin na natin, iba na ang mga prioridad mo sa
buhay. Lagi ng mauuna ang pamilya.
Habang feel mo pang lumaban ng lumaban sa rat
race at umakyat ng umakyat sa corporate ladder,
huwag mong panghinayangan na wala ka pang
sariling pamilya.

2. Masyadong mataas ang standards mo.
Ibaba mo kasi ng konti, baka naman kahit si Rizal
hindi ma-achieve yung standards mo. Tandaan mo,
si Rizal kahit na bayani medyo babaero din.
Walang taong perpekto. Kahit naman ikaw di ba?
Meron ka ding kapintasan? Baba mo ng konti,
yung makatarungang pamantayan lang. Baka
naman naghahanap ka ng Brad Pitt eh di ka
naman si Jennifer Aniston. Lumagay ka lang sa
dapat mong kalagyan. Baka naman naghahanap
ka ng kasing yaman ni Zobel eh ikaw naman eh
pobre din lang naman. Huwag. Huwag ganoon.
Para kang g**o non. Baka naman naghahanap ka
ng smart, na gwapong, mayaman. Ate, kung ganon
ang hanap mo, malamang tatandang dalaga ka na
talaga. Di lahat binibigay ni Lord. Di bale kung
salat sa face value, babawi na lang siguro yung sa
bait at sa talino.Kung puro face value naman, at
salat sa kaalaman or masama ang ugali, manalig
ka na lang na baka pag pinakain mo ng gulay
tumalino or ito the best, lahat naman ng tao
nagbabago. Pwede pa ‘yan bumait.

3. Hindi ka lumalabas ng bahay.
O baka lumalabas ka nga ng bahay, sa opisina
lang naman ang punta mo. Huwag ganon. Sumama
ka sa mga kaibigan mo, mag-mall ka, magsimba
ka, mag-outreach program ka. Huwag mong
panisin ang sarili mo sa bahay dahil wala talagang
makakapansin sa iyo sa bahay. Mag-aral ka ng
painting, voice lessons at Yoga. Imaginin mo kung
magka-boyfriend ka na Yoga master? or di kaya,
chef. O di ba cool ‘yun? Magliwaliw ka sa
bookstores, sa coffee shops, at kung saan-saan
pang mataong lugar. Baka sakali mapansin ka
doon.

4. Baka naman sobrang tapang mo.
Oo nga naman, baka naman sobrang masungit ka
at natatakot sa iyo ang mga potential suitors mo.
Baka dapat kang maging approachable ng konti.
Baka masyadong maangas ang dating mo imbis
na matuwa sa iyo matakot. Baka sobrang
independent mo, at parang mabubuhay ka ng wala
silang lahat. Minsan may epekto rin ‘yan. Baka
sobrang talino ng dating mo pakiramdam nila
mababara lang sila or baka ‘pag pinadalhan ka ng
love letter eh i-edit mo ng red ink pen. Magkunwari
ka kayang t**** minsan-minsan, tingin mo?

5. Baka naman kasi losyang ka.
Oo nga naman, mag-ayos ka paminsan-minsan
kay lang kung pangit ka, pangit ka talaga. No
amount of make up can change that. Pero at least
pwede ma-enhanceng konti.

6. Baka naman hinahanapan pa ni Lord ng ribbon
ang para sa iyo.
Natatandaan ko ang sabi ng kaibigan ko. Blessing
daw from the Lord ang mga girlfriends/boyfriends.
O eh baka naman hinahanapan pa ni Lord ng
magandang ribbon yung regalo mo. Kasi baka
daw ‘pag hinarap ang packaging i-reject mo.

7. Baka naman nagtitipid sa toll fee yung para sa
iyo.
Malay mo kasi taga-Norte yung para sa iyo eh
mahal naman ang toll fee. Baka nagtitipid dumaan
sa walang toll kaya medyo natatagalan.

8. Baka naglakad yung para sa iyo.
Parating na ‘yon kaya lang mahal ang gasolina so
naglakad na lang papunta sa iyo. Besides, walking
is good for the heart daw. Baka sa kakalakad
naligaw na. Ito pa namang mga lalaking ito, hindi
magtatanong kung hindi pakiramdam nila naliligaw
na sila.

9. Baka naman sadyang torpe lang yung para sa
iyo.
Baka naman nag-iipon pa ng lakas ng loob o di
kaya nag-iisip pa ng magandang tiyempo. Baka
talagang hindi lang siya makapag-salita dahil
sobrang mahiyain niya. Baka naman dapat
makiramdam ka rin ng konti kasi talagang deadma
ang dating nito. Baka dapat tinatanong ng unti-unti.

10. Baka naman talagang for single blessedness
ka.
Ipagdasal mo. Baka naman kasi pinapagod mo ang
sarili mong kakaisip bakit you’re still single eh hindi
naman kasi marriage ang plan ni Lord for you.
Paminsan-minsan magtanong ka kasi sa Kanya
baka naman ikaw ang naliligaw. Baka naman ikaw
ang nagtitipid. Baka naman kasi ikaw ang torpe.
Baka naman kasi ikaw ang problema.

Gasgas man, pero sasabihin ko pa rin. Darating
Din Yun. Kung para sa iyo, para sa iyo. Kahit
iwasan mo, para talaga sa iyo.

Advertisements

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: