jump to navigation

Ang Kandila March 1, 2009

Posted by Anton in Witty Humor.
trackback

 

3-2-2009-3-57-18-amPag dating ni Lando sa bahay, sabi ni Tekya, ang asawa niya,  

  “Sweetheart, delayed ako ng isang buwan. Kagagaling ko  

  lang sa doktor. Pero huwag mong sabihin kahit kanino, baka  

  mapahiya lang ako kapag di nagkatotoo.”  

  Kinaumagahan, merong dumating na taga-Meralco.  

  Pagbukas ng pinto, sabi niya, “Ale, delayed ho kayo ng isang buwan.”

  “Kanino mo nalaman ito?” tanong ni Tekya.  

  “Nandito ho nakasulat sa records namin,” sagot ng  

  taga-Meralco.  

  “Talaga? Nakasulat sa records ninyo?”  

   

  Sa sumunod na araw, si Lando ay dumating galit na  

  galit sa counter ng Meralco.  

  “Paano niyo nalaman na delayed ng isang buwan ang  

  misis ko?  

  “Konting pasensya lang. Kung gusto niyong mawala sa  

  records namin ito, magbayad na lang kayo,” sagot ng isang  

  empleyado.  

   

  “Eh, kung ayaw kong magbayad?” tanong ni Lando.  

  “Puputulan ho kayo,” sagot ng empleyado.  

  “Kung puputulan ako, anong gagamitin ng misis ko?”  

  “Pwede naman siyang gumamit ng kandila di ba?”

Comments»

1. Justina - March 3, 2009

First blog I read after wakeup from sleep today!

—————————-
#1 Top Search Engine – Google